DZMM TELERADYO: Nagpahayag ng matinding galit si Sulu Sultan Jamalul Kiram III sa patuloy na pagbalewala sa kanila ng gobyerno. Ito'y matapos tumanggi ang Malakanyang na makipag-usap si Pang Noynoy Aquino sa kampo ng Pamilya Kiram bago paalisin ang mga tagasuporta sa Sabah, Malaysia. Ayon kay Kiram, masaya sila noong una na bumuo ang administrasyon ng panel para pag-aralan ang pag-angkin ng Sulu Sultanate sa Sabah ngunit matapos ang pagbabantang maaresto kahapon, paano aniya sila magtitiwala pa. Kabilang pa sa sama ng loob ni Kiram, hindi lamang aniya sila Pilipino dahil wala pang Pilipinas ay mayroon nang Sultanate of Sulu. Pinayuhan pa nito ang kanyang kapatid na nanguna sa grupo sa Sabah na si Rajah Mudah Agbimuddin Kiram na kung nauubusan na sila ng pagkain sa Sabah, mag-fasting at magtiis na lamang muna.
No comments:
Post a Comment