Friday, December 7, 2012

DZMM: Umapela sa Prosekusyon ang panig ng depensa kaugnay ng Bail Hearing sa Kaso hinggil sa sinasabing anomalya sa Intel Funds ng PCSO. Giit ni Atty Peter Bantilan, abugado ni dating PCSO Chairman Sergio Valencia na ipinakita ng pagkaka-antala ng pagdinig ang kawalan ng kahandaan ng Prosekusyon sa kaso.
ABANTE- Tax revolt, sigaw vs sin tax - Kasabay ng pagsalang ng Sin Tax bill sa bicameral conference committee, mahigit 5,000 militanteng manggagawa at manininda ang sumugod sa labas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Batasan Pambansa upang igiit ang pagbasura sa nasabing panukala.
DWIZ: ISSUE: ROCK CONCERT AT AGHAM ROAD Q.C.
- Naglunsad sa Agham Road, OC ng isanng Rock Concert ang mga maralitang kabataan sa pangunguna ng Sining ng Kabataang Lumalaban o SIKLAB bilang bahagi ng kanilang protesta laban sa lumalaking paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Aquino Administration. Ayon sa Coordinator ng Rock Concert, nais nilang ipakita na maging ang mga maralitang kabataan ay may pagnanais rin na matigil na ang lumalalang kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Aquino Administration.