DZBB: Pumapangalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa SE Asia na may pinakamaraming bilang ng mga nagugutom. Ito'y batay sa datos ng Food and Agriculture Organization ng UN. Ayon sa National Food Coalition, nakasaad sa nasabing datos na kapantay ng bansa ang Cambondia at mayroon ang bansang 16 milyong Pinoy na undernourished habang ang Indonesia ang siyang may pinakamataas na bilang ng undernourishment. Ang undernourishment ang batayan kung may sapat bang kinakain ang isang tao para sa energy requirement ng kanyang katawan.