Wednesday, October 31, 2012

Dzmm: Wala pang plano ang kampo ni CGMA na muling humirit sa korte ng panibagong araw para mabisita ng yumao niyang mga magulang. Sinabi ni Atty. Raul Lambino, isa sa mga tagapag-salita ng pamilya-Arroyo na mas pinili na muna ni CGMA na manatili sa VMMC para magpahinga at lubos na magpagaling. Ginawa ni Lambino ang pahayag makaraang kanselahin ni CGMA ang pagtungo sa Libingan ng mga Bayani bukas matapos payagan ng Sandiganbayan.