Friday, June 21, 2013

Dzmm:
Malacanang todo tanggi na binigyan ng security ang aktres na si ai ai de las alas mula sa hanay ng presidential security group. Una nang nakitang kasama ni de las alas ang hanggang apat na bodyguard na pawang nakabarong at mukhang sundalo nang dumalo sa pagdinig ng quezon city prosecutors office kahapon kaugnay ng civil case na isinampa laban sa asawang si jed salang. Sinabi ni communications group secretary sonny coloma na hindi psg kundi mga miyembro ng police security and protection group ang apat. (Buti pa si ai ai ang dali kumuha ng bodyguard! iba na ang malakas kay kris!)