Sunday, April 28, 2013

Dzmm reporter: Kahirapan sa bansa, dapat aminin ni PNoy - CBCP
- Hinamon ng ilang obispo ng Simbahang Katolika si Pang Noynoy Aquino na aminin at harapin ang laganap na kahirapan sa bansa base na rin sa lumabas na survey ng National Statistical Coordination Borad (NSCB) at National Statistic Office (NSO). Sinabi nina Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) - National Secretariat for Social Action (NASSA) Chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo, Digos Bishop Guillermo Afable at Jolo Bishop Angelito Lampon na hindi dapat maging defensive ang Pangulo bagkus tugunan nito ang lumalalang kahirapan sa bansa.
DZMM: Umapela sa pamahalaan ang minorya sa Kamara na itigil na ang CCT program ng gobyerno para sa mamamayan. Nais ding malaman ng oposisyon kung saan napupunta ang pondo ng programa dahil hindi nagbago ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.
TV 5: Mahigit 200 empleyado ng Comelec nangangamba sa kawalan na review sa source code ng mga PCOS machine.
DZRH: Kulang ang mga programa ng gobyerno para matugunan ang kahirapan ng maraming mga mamamayan. Pinuna ni Sen. Recto ang bilyong pisong pondo para sa CCT na hindi naman ganap na nakatutugon sa problema ng kahirapan ng maraming mga mamamayan. Pinuna ni Sen. Recto ang bilyong pisong pondo para sa CCT na hindi naman ganap na nakatutugon sa problema ng kahirapan sa bansa. Aniya, nakatutulong ang CCT pero hindi dole-out kundi paglikha ng mga bagong trabaho kasabay ng pagpapalakas sa sektor ng edukasyon at kalusugan ang kailangan ng bansa. Payo pa ni Recto sa MalacaƱang, panahon na para i-review kung nakakatulong ba ang CCT.