Noong nagtatanong si Miriam sa prosecution at defense, nasagot kaagad ng defense ang mga tanong niya. Hindi lang dahil magaling sila at pinaghandaan nila, dahil makikita natin na talagang alam nila na tama ang ipinaglalaban nila. Noong sumagot si Tupas na bahagi ng prosecution, nagmukhang tanga at gulat na gulat pa. Hindi lang siguro dahil hindi siya marunong at hindi handa, dahil nahuhuli na at naiipit na ang prosecution sa mga kasinungalingan nila. Ang kapal ng mga kongresista na iyan. Gagawa sila ng napakalaking gulo at aakusahin nila ang isang tao na gusto nilang husgaan kahit na wala pang pinapatunayan at idadamay ang buong bayan, pagtapos iaasa nila na ibibigay sa kanila yung hinihiling nila na mali? Bakit, nagkaayusan na ba ang Malacanang, and 188 na kongresista at yung ibang Senador katulad nina Drilon, Pangilinan at Cayetano? Sinasayang nila yung pera at panahon ng sambayanan para lang pwede silang lumabas sa tv at mangampanya para sa darating na halalan sa 2013. Puro drama. Dapat nag-artista na lang sila. Bagay naman sila na kontrabida. Mga spoiled brat na kongresista sa prosecution panel. Kung tutuusin, kung luto na lahat, huwag nalang bumoto sa 2013 sa mga distrito ng 188 na kongresistang iyan dahil tiyak na pati yun elecksyon aayusin nila habang nakaupo pa yung hari nilang sinisilbihan sa Malacanang.