Tuesday, January 22, 2013

ANC: una's binay laughs off lp forbidding guest candidates in slate from joining una sorties. binay: "diskarte nila yan e." still, some una officers say the lp move was harsh.
ISSUE: FREEDOM OF INFORMATION BILL (12:20-12:21 - Radyo Patrol Balita Alas Dose - DZMM) J. Hidalgo
Malacanang, hindi nababahala sa babala ng isang Obispo na nagsabing posibleng makaapekto sa kandidatura ng mga Mambabatas na kaalyado ng Pangulo ang hindi nito pag-aksyon sa FOI Bill. Sinisi rin ni Manila Aux Bishop Broderick Pabillo ang Pangulo dahil hindi nito sinertipikahan bilang urgent ang panukala. Ayon kay Dep Pres Spokesperson Abigail Valte, nakadepende sa mga botante kung ano ang magiging basehan ng mga ito sa pagpili ng kanilang kandidato.
ANC: anakbayan dares pnoy to also bring the u.s. to international court over the tubbatha reef incident. anakbayan says pnoy should hold u.s. accountable for the grounding of the uss guardian.
On 5th Global Conference of the Global Organization of Parliamentarians Against Corruption (GOPAC) - isn't it embarrassing that we are HOSTING this anti-corruption event amidst controversies in the senate cash gifts and political bickerings on leadership? a congress that will do anything for pork and an executive who keeps appointing his pets as justices to protect his corrupt cronies.
Dzmm teleradyo: Nauwi sa habulan at pukpukan ang protesta ng mga militante sa Maynila bilang paggunita sa anibersaryo ng Mendiola massacre. Nauna nang nakipag-pantintero ang mga pulis sa mga rallyista sa bahagi ng Kalaw Avenue at UN Avenue kung saan layon ng mga militante na magtungo sa US Embassy. Sinabay na rin kasi ng mga rallyista ang pagprotesta kaugnay sa pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef sa Palawan.
Radyo 5: ISSUE: SENATE LEADERSHIP - Nanaginip si Sen Trillanes kung iniisip nitong kaya niyang patalsikin sa pwesto si Sen Pres Juan Ponce Enrile. Ito ang pahayag ni Arch Oscar Cruz matapos ang biglaang botohan kahapon kaugnay sa mosyon ni Enrile na bakantehin ang pwesto ng pagiging Pangulo ng Senado. Ayon kay Cruz, kahanga-hanga ang ginawang hakbang ni Enrile dahil sa bukod na pagpapakita ng delikadesa ay naipakita din niyang suportado pa rin siya ng kanyang mga kasama. Pinayuhan ni Cruz si Trillanes na tigilan na ang pagpaplano ng kudeta at pagtuunan na lang ng pansin ang mas mahalagang isyu ng bayan.
DZBB by M. Enriquez and A. Clavio Interview with Sen. Chiz Escudero
- Gusto ko makita ang difference ng annulment at divorce.
- Against talaga ako sa divorce.
- Sa tingin ko ang nagsusulong niyan ay gusto lang pag-awayin ang Simbahan at Administrasyon.
- Hindi pa napapanahon ito.
DZMM: by T. Failon Interview with Bayan Muna Rep. Teddy CasiƱo
- Kami po ay nag-withdraw ng authorship sa panukalang ito dahil ang naipasa ng Komite ay pagdedebatihan namin sa plenaryo and we will be introducing amendments.
- HINDI ho ito ang bill na nakikita nating magbubukas ng access to information dahil nga doon sa mga provisions na ni-lobby ng MalacaƱang na MAS magpapaHIGPIT pa ng pagbibigay ng information.
DZRH: ISSUE: FREEDOM OF INFORMATION BILL by J. Taruc
Bishop Broderick Pabillo, isinisi kay Pangulong Aquino at mga kaalyado nito ang mabagal na pag-usad ng Freedom of Information Bill sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Pabillo, nangangamba ang Simbahan na mag-back to zero ang FOI Bill. Binalaan ni Pabillo ang Pangulo at mga kasamahan nito sa LP na hindi sila makakatanggap ng suporta ng taongbayan kapag hindi umusad ang FOI Bill sa Kongreso.
GMA NEWS TV: Susan Enriquez
Ayon sa DOLE, marami pa rin ang underemployed sa bansa. Nasa 7.2 Milyon umano ang underemployed at 2.8 Milyon ang unemployed.
GMA NEWS: LTO LETS motorist who assaulted MMDA constable KEEP his license - A dismayed MMDA will appeal with the Land Transportation Office to reconsider its decision not to revoke the driver's license of a motorist who assaulted an MMDA traffic constable last August.
PNOY - TATLONG TAON na sumisigaw ng "we are now open for business" at UULITIN na naman nya sa DAVOS. can't he digest that NO ONE is listening anymore to his propaganda as NO major investors responded to his self-righteous propaganda? for the reason that his only claim to fame is political vendetta and his protectionist policies favoring his elite business cronies. HOCUS POCUS sa DAVOS!
GMA NEWS: The Tubbatha Protected Area Management Board (TPAMB) on Tuesday disclosed that it will charge the United States Navy with unauthorized entry and damage to Tubbataha Reef after its warship, the USS Guardian, ran aground on the UNESCO-declared world atoll. According to the Tubbataha management team, the "evident" violations include unauthorized entry, non-payment of conservation fee, and obstruction of law enforcement officers.
INQUIRER: P-Noy CLUELESS re climate change body Pres Gloria M-Arroyo created a commission called the Presidential Task Force on Climate Change by virtue of Republic Act No. 9729, which is also known as the Climate Change Act of 2009. Under the law, the Chief Executive chairs the commission, just one of only a few bodies headed by the highest official of the land. It is tragic that Mr. Aquino has not given any attention to the commission. Does he even know that such a commission exists?
- PAOLO ESGUERRA.
ANC: Chinese Embassy on PH move to bring territorial row in international court: "Ambassador Ma Keqing reiterates that China has indisputable sovereignty over islands in South China Sea and its adjacent waters. The Chinese side strongly holds the disputes on South China Sea should be settled by parties concerned though bilateral negotiations."
ANC: UNA: LP policy on common candidates too harsh and unkind. UNA says it is unfair for common candidates Escudero, Legarda and Poe to be given cold-shoulder treatment by anyone from LP just because they joined UNA.
ANC: juan ponce enrile happy with senator's vote of confidence in him. 11 senators yesterday rejected enrile's motion to declare the senate presidency vacant. 3 voted in favor while 2 abstained.
ANC: MMDA vs LTO: mmda is dismayed that the lto denied its request to revoke the license of robert carabuena. carabuena is the motorist caught on video mauling an mmda traffic enforcer. mmda chairman francis tolentino says the mmda will file a motion for reconsideration on carabuena's case.
ANC: clemente baustista, national coordinator of kalikasan people's network on tubbataha incident: "lagi na lang malamya ang pusisyon ng gobyerno kahit dun sa toxic waste dumping sa subic at yung u.s. drone sa masbate. lagi sinasabi ng aquino administration magbabayad lang sila. dapat panagutin sa pag-violate ng batas natin."
ANC: hearings on bail petitions in connection with pcso case set to begin Thursday, ex-pres arroyo now included. defense lawyers convinced there is no evidence arroyo committed plunder.
DZMM: Pnoy, binanatan ng Militanteng Kongresista sa isyu ng Tubbataha Reef. Iginiit ni Gabriela Rep Luz Ilagan na tila walang ginagawang agarang aksyon ang pamahalaan upang papanagutin ang Amerika sa pinsalang dulot ng Warship nito sa Tubbataha Reef. Lalo pang ikinadidismaya ng Kongresista ang tila NGITING tugon lang ni Pnoy sa naturang isyu.
ISSUE: BAIL PETITION HEARINGS (10:17 AM -  10:18 AM - BREAKING NEWS-AKSYON TV) Trsih Roque
Dating Pang Gloria Macapagal Arroyo, kasama na sa Bail Petition Hearings sa kaso ng PCSO Fund anomaly. Ayon sa kampo ni CGMA, naniniwala silang walang ebidensya ang prosikusyon at puro base sa records at hindi personal knowledge ang hawak nila. Sinabi din ng kampo ni Arroyo na walang makakapagturo na may ibinulsang pera ang dating Pangulo. Sa Jan 24, Huwebes, kasama na sa Bail petition Hearing si CGMA.