Tuesday, November 27, 2012

Dzmm reporter:
> grupong kontra sin tax nagprotesta sa mendiola.
> grupong piston may transport caravan sa biyernes.
ABANTE: GLORIA LINK SA MALAMPAYA, WALANG DOKUMENTO
Walang dokumentong magpapatunay na may kaugnayan si dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa usapin ng kinukuwestiyong P495 milyong Malampaya fund na ibinigay sa ilang local government units (LGUs). Ito ang ibinunyag ng Commission on Audit (COA) kung saan sa kabila aniya ng pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na ang paggastos sa nasabing pondo ay base sa direktiba ni Arroyo ay wala namang dokumentong magpapatunay nito.