Sunday, December 2, 2012

DZMM: Umapela sa Ombudsman si dating Pangulo at Pampanga Rep GMA na maging patas at ilabas ang First Resolution sa kaso kaugnay ng Intelligence Fund ng PCSO. Sa pamamagitan ng kanyang abugadong si Atty. Anacleto Diaz... sinabi ni CGMA na hindi nagiging parehas ang Ombudsman dahil sa hindi paglalabas ng naturang resolusyon na sinasabing nagdidismiss ng kasong Plunder laban sa kanya at iba pang isinasangkot sa naturang kaso. Ayon kay Atty. Diaz, dapat ipag-utos ng Sandiganbayan ang paglalabas ng naturang resolusyon dahil dito aniya posibleng malaman kung dapat i-acquit o ma-indict si CGMA sa nabanggit na kaso.

No comments:

Post a Comment