DZMM: NABUHAY NA NAMAN ANG BANGGAAN SA PAGITAN NG MGA MAMBABATAS NA PABOR AT TUTOL SA REPRODUCTIVE HEALTH LAW KASUNOD NA PAG-IISYU NG "STATUS QUO ANTE ORDER" NG KORTE SUPREMA LABAN SA IMPLIMENTASYON NG NASABING BATAS. BINIGYAN-DIIN NI GABRIELA PARTYLIST REP LUZVIMINDA ILAGAN NA ANG MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN NA NAMAN ANG TALO SA PAGKAKA-ANTALA NG PAGPAPATUPAD NG R-H LAW. PARA NAMAN KAY NUEVA ECIJA REP RODOLFO ANTONINO...MALINAW NA MAY "PALPAK" SA ISINABATAS NA R-H BILL KAYA'T HINARANG NG SUPREME COURT ANG IMPLIMENTASYON NG R-H LAW. KUMBINSIDO NAMAN SI HOUSE DEP MIN LEADER AT ZAMB REP MILAGROS MAGSAYSAY NA HINDI MAITATANGGING MAY DEPEKTO ANG R-H LAW. IDINAGDAG PA NI REP MAGSAYSAY NA MAY NAKITANG BASEHAN ANG KORTE SUPREMA PARA PIGILAN ANG IMPLEMENTASYON NG R-H LAW KAYA'T DAPAT ITONG IRESPETO NG LAHAT.
No comments:
Post a Comment