Wednesday, March 20, 2013

DZMM: Ipinagtataka ng minorya sa Kamara ang muling pagbuhay ni PNoy sa pag-claim sa Sabah. Sinabi ni Rep. Danilo Suarez na masyado na aniyang huli ang naturang pahayag ni PNoy. Iginiit nito na ngayon na nagsalita ang Pangulo tungkol sa Sabah claim kung kailan marami ng Filipino-Muslims ang nagbuwis ng kanilang buhay. Dapat aniya sa simula pa lamang ay ipinakita na ni PNoy ang commitment na maresolba agad ang problema at iniwasan na dapat noong una pa man ang iresponsableng pahayag nito na may tila pagkampi pa sa pamahalaan ng Malaysia.

No comments:

Post a Comment