Tuesday, March 19, 2013

DSRH: Galit pinagbabato ng pulang pintura ng militanteng grupong Alyansa Kontra Demolisyon ang larawan ni DILG Sec. Roxas. Kasabay nito, sinugod ng mga ito ang tanggapan ng DILG kaninang bago mag-tanghali. Kasama ng grupo ang ilang mga residenteng naninirahan sa gilid ng San Juan river sa Quezon City. Ayon sa grupo, lalabanan ng kanilang hanay ang nakatakdang demolisyon na magpapalayas sa 20,000 pamilyang squatter bago ang panahon ng tag-ulan. Ayon sa grupo, hindi nila pinaniniwalaan ang pahayag ng DILG na boluntaryo ang gagawing demolisyon.

No comments:

Post a Comment