Wednesday, February 20, 2013

RADYO4: Aksyon Solusyon-Umabot na sa 60,000 indibidwal ang apektado ng tropical depression Crising. Sa tala ng NDRRMC, particular na apektado ang mga lugar sa Regions 10, 11 at CARAGA kung saan 735 na pamilya na o 3,568 na tao na ang kasalukuyang nananatili sa 7 evacuation centers dulot na rin ng pagtaas ng tubig-baha dahil sa walang patid na buhos ng ulan. Sa pinakhuling update ng NDRRMC, isa na ang naitalang nasawi habang apat ang sugatan.

No comments:

Post a Comment