Wednesday, February 20, 2013

BULGAR: TASS-SINGIL SABAY-SABAY
Dagdag-presyo sa petrolyo, kuryente at tubig ang papasanin ng mga konsyumer kung saan nauna na ang mga kumpanya ng langis. Epektibo kahapon ng 6:00 ng umaga na nag sabay-sabay na nagtaas ng P1.15 kada litro ng kanilang regular gasoline ang Petron Corp., Pilipinas Shell at Chevron habang P0.95 kada litro naman ang premium at unleaded gasoline, P0.65 kada litro ng diesel at P0.70 kada litro naman sa kerosene. Samantala, inaprubahan na ng ERC ang dagdag singil sa kuryente na P0.19/kWh simula Marso. Humirit naman ang Maynilad ng dagdag na P10.30 per cubic meter habang P5.83 naman ang Manila Water.

No comments:

Post a Comment