Wednesday, January 2, 2013

Jan 01, 2013 4:35 am Dzmm gising pilipinas program Ricky Rosales - anchor
"Sinusuporahan din ni dating pangulo at pampanga rep gloria macapagal arroyo si suspended cebu gov gwendolyn garcia. Patuloy na pagkakaroon ng lakas at gabay ang hiling ni cgma para sa mga cebuano na bukod anya sa masisipag ay mga peace loving ding mamamayan.
Dasal din ng dating pangulo ang patuloy na paniniwala sa batas, sa patas na hustisya at rule of law sa bansa.
Ani cgma, dapat salubungin nang may katapangan at dignidad ang kinakaharap na pagsubok ni garcia at ng mga taga cebu.
Una nang nagpakita ng suporta sa sinuspindeng gobernadora sina bise presidente jejomar binay, senate president juan ponce enrile at dating pangulong joseph estrada".

No comments:

Post a Comment