Wednesday, January 30, 2013

ISSUE: OIL PRICE HIKE (1:18-1:19) Relasyon - R5 by A. Lopez
mga militanteng kongresista, tinuligsa ang kawalan ng aksyon ng pamahalaang Aquino para pigilan ang ipinatutupad na oil price hike ng mga ganid na kumpanya ng langis. Ayon kay Anak Pawis Rep. Rafael Mariano, sa halip na maglatag ng kaukulanghakbang ang Gobyerno para maibsan ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay lantaran pa nitong kinakatigan ang mga oil companies. Hirap na aniya makaagapay ang taong bayan sa taas ng bilihin at pasahe ay patuloy pa ring nagbibigay ng dagdag pasanin ang Gobyerno kaya't lumilitaw na inutil ang Administrasyong Aquino sa nabanggit na problema.

No comments:

Post a Comment