Tuesday, March 12, 2013

DZMM TELERADYO:
Dinaig ng liderato ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga nakaraang administrasyon pagdating sa mga kaso ng eviction o pagpapalayas sa maralitang lungsod. Ayon sa non-government organization (NGO) na Urban Poor Associates (UPA), sa halos tatlong taong pamumuno ni PNoy ay nakapagtala na ng 147 kaso ng eviction at demolisyon, habang 96 lamang ang naitala noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at 55 sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

No comments:

Post a Comment