Thursday, February 28, 2013

dzmm reporter:
Mistulang nauwi na sa bangayan ng gobyerno ng Pilipinas at Sulu Sultanate ang isyu ng pag-angkin sa Sabah, Malaysia. Sa pahayag ni Sultan Jamalul Kiram III na binasa ng anak nitong si Princess Jaycel, binanatan niya si Pang Noynoy Aquino sa pagmamaliit umano sa isyu sa halip na tulungan silang makuha ang lupain. Pinatutsadahan din ng Sultan si DILG Sec Mar Roxas na tila nagsisilbi anyang tagapagsalita ng Malaysia dahil pinangungunahan nito ang pagtanggi sa pakikipag-dayalogo sa kanilang pamilya. Maging si Justice Sec Leila de Lima ay pinasaringan ng Sultan sa pang-iinsulto sa kanila matapos sabihing nababayaran ang mga Kiram.

No comments:

Post a Comment