Sunday, January 6, 2013

DZMM TELERADYO: Aprubado at nabusisi umano ng COA ang P366 milyong confidential and intelligence funds na ugat ng kasong plunder na isinampa laban kay dating pangulo at Pamp Rep. Gloria M-Arroyo at iba pang opisyal ng PCSO. Sa 10-pahinang reiterative motion na inihain sa Supreme Court, humihirit si Atty. Anacleto Diaz ng kampo ni CGMA na magkaroon TRO at/o preliminary injunction sa plunder case na nakasampa sa Sandiganbayan laban sa dating pangulo. Paliwanag ng abogado, hindi maaring baligtarin ng Ombudsman ang findings ng COA kung saan nakasaad na legal, marapat at naaayon sa batas ang kinukwestyong pondo. Dagdag pa ni Diaz, isang independent constitutional body ang COA at walang kapangyarihan ang anumang ahensya ng pamahalaan na panghimasukan ang alinmang accouting at auditing rules and regulation nito.

No comments:

Post a Comment