Tuesday, January 24, 2012

Pagmasdan ng mabuti kapag nagsasalita sa mga presscon ang mga kabilang ng prosecution at ang mga kabilang ng depensa. Makikita ninyo kung anong mga klaseng tao ang nakikipagtunggalian. Kapag ang depensa ang nagsasalita, maliwanag at mapapansin na hindi nila ginagawang tanga ang  sambayanan. Kapag nagsalitaand prosecution, halatng pinipilit nila ang gusto nila kahit na mali. Mali na nga ang proseso, hindi pa sila handa, pagkatapos mahilig  magreklamo at binibintang sa ibang tao ang mga pagkukulang nila. Ang pinaka nakakadismaya sa mga kilos nila, kapag nagsasalita, ginagawa nila tayong tanga at ninanais nila na magpadala tayo sa damdamin kapag gumagamit sila ng ng mga salita at paratang. Sinasadya nilang ilinlang yung taong bayan. Lagi nalang silang may hirit na magnanakaw si Corona at pinagpipilitan nila na kung hindi masusunod  ang gusto nila, ibig sabihin noon, may itinatago si Corona. Yung  mga sinasabi nila pampapogi lang at pinapalabas nila na may tinatago si Corona kahit na wala silang patnubay at butas-butas and mga inihahain nila na reklamo laban kay Corona. Papayag ba tayo magpadala sa mga kongresistang halatang at nasa bulsa ng MalacaƱang? Dapat tandaan ninyo ang mga pangalan at mukha ng maghudas na iyan na nagtaksil sa atin lahat para lang hindi maipamahagi ang Hacienda Luisita na lupain ng amo nila. Tandaan ninyo at huwag nang iboto at pagkatiwalaan uli. Hindi lang si Corona sinisiraan nila, dinadala nila tayong lahat sa impyerno. 

No comments:

Post a Comment