Monday, October 8, 2012

Dzmm Teleradyo:
Hindi pa man napipirmahan ang framework agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF), nagbabala na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sakaling pumalpak ang kasunduan. Ayon kay BIFF Spokesman Abumissry Mama, nakaantabay na sila sa magiging epekto ng kasunduan sa Mindanao. Sakali anyang hindi tuparin ng gobyerno ang pangako nito sa MILF o hindi makatulong ang bagong political entity ng Bangsamoro bilang kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) nakahanda pa rin ang mga armas nila.

No comments:

Post a Comment