PHILIPPINE STAR: Ayon sa BAYAN, walang halaga sa mga mahihirap ang nakuhang ratings upgrade ng Pilipinas sa international debt watcher Fitch Ratings dahil hindi naman ito magreresulta sa pagkakaroon ng karagdagang trabaho sa bansa. Mula sa rating na BB+ ginawang BBB- ng Fitch Ratings ang credit rating ng bansa. Sinabi pa ni BAYAN Sec. Gen. Renato Reyes na dapat ay pagtuunan ng pansin ni PNoy ang reporma sa lupa at 'genuine constitutional industrialization' na magbubuo ng mas matatag na ekonomiya. Aniya, maganda lamang sa pandinig ang nakuhang upgrade sa credit ratings pero gagamitin lamang ito ng administrasyon sa kanilang pangangampanya para sa kanilang senatorial bets.
No comments:
Post a Comment