Sunday, March 31, 2013

Dzmm reporter: Hinimok ni dating pangulo at ngayo'y pampanga congresswoman gloria macapagal arroyo ang ating mga kababayan na huwag mawalan ng pag asa at palaging magtiwala kay hesus. San kanyang easter message sinabi ni cgma na tulad ng mga apostoles ni hesus na sa unay nagduda at hindi makapaniwala sa muling pagkabuhay ng panginoon, tayo man ay hindi maiiwasang mangamba at mag isip lalot may kinakaharap na suliranin. Sinabi ng dating pangulo na dahil sa mga banal sa salita ng panginoon, lumalakas ang loob ng mga may problema at nagtitiwala sa kanyang pagmamahal. Ayon pa sa dating pangulo, Na dahil sa pagtitiwala at pagmamahal na ito lumalakas ang pag asa natin upang makamtam ang katotohanan at katarungan.

No comments:

Post a Comment