Monday, March 25, 2013

Dzmm reporer: Mga militante, idinaan sa senakulo ang protesta vs PNoy
- Kahit Lunes Santo, hindi nagpaawat ang grupong Bayan Southern Tagalog sa pagbulalas ng sitwasyon ng mga mahihirap sa ilalim ng administrasyong Aquino. Ngayong hapon, nagtakda ng senakulo at Station of the Cross ang mga militante sa North Triangle, Quezon City patungong Ombudsman. Lahat anila ng paghihirap ni Kristo ay ihahalintulad nila sa kalagayan ngayon ng mga mahihirap, na lalo pang naghihirap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at sistema ni Pangulong Noynoy Aquino.

No comments:

Post a Comment