Thursday, February 14, 2013

Dzmm reporter: Ipinagpaliban ng Sandiganbayan First Division and pre-trial sa kasong pandarambong ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon sa abogado ni CGMA na si Anacleto Diaz, hindi pa natatapos ang preliminary conference sa plunder case ng kliyente. Itinakda na lang ng korte ang pre-trial sa Mayo 2, alas-8:30 ng umaga. Kabilang naman sa mga isinagawa sa Sandiganbayan kanina ang pagmamarka ng mga ebidensya sa kaso. Sinabi ni Diaz na hindi na kailangang personal na humarap sa pre-trial si Arroyo.

No comments:

Post a Comment