Thursday, February 14, 2013

DZMM: HINIHINGAN NG PALIWANAG NG MINORYA SA KAMARA ANG COMELEC HINGGIL SA RESOLUSYON NITONG NAGBABAWAL SA PAGPAPALABAS AT PAGGASTOS SA PONDO NG PAMAHALAAN NGAYONG CAMPAIGN SEASON. GIIT NI HOUSE MIN LEADER DANILO SUAREZ NA DAPAT LINAWIN NG COMELEC KUNG SAKLAW NITO ANG ALOKASYON MULA SA PORK BARREL NILANG MGA MAMBABATAS NA PARA SA SOCIAL SERVICES. SINABI NI CONG SUAREZ NA SA MGA SOCIAL SERVICES TULAD NG MEDICAL ASSISTANCE SA MAHIHIRAP NILANG CONSTITUENT INILALAAN ANG HALOS KALAHATI NG KANILANG P-DAF O PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND. DAGDAG PA NG KONGRESISTA NA HINDI RIN MAARING PAGHINTAYIN ANG MGA MAY SAKIT NA PATAPUSIN MUNA ANG HALALAN BAGO BIGYAN NG MEDICAL ASSISTANCE DAHIL BAKA MAGING HULI NA ANG LAHAT PARA SA MGA NANGANGAILANGAN NG TULONG-MEDIKAL.

No comments:

Post a Comment