Thursday, February 21, 2013

AKSYON TV: Ina Zara
Mga miyembro ng UNA, pabor sa pagkakatanggal ng 3 guest candidates sa kanilang tiket. Nagtiwala raw ang UNA na tutupad ang tatlo sa pangako nila na sasama sa pangangampanya ng UNA. Hindi raw kawalan ang tatlo sabi ni Sen Gringo Honasan, dahil wala namang nabawas sa plataporma ng UNA sa pagkawala ng tatlo. Ayon kay dating Sen. Dick Gordon, tama lang umano ang desisyon na bitawan na ang tatlo at para sa kanyang opinyon ginamit lang umano ng tatlo ang UNA.

No comments:

Post a Comment