Thursday, November 22, 2012

ISSUE: MAGUINDANAO MASSACRE ANNIVERSARY (8:22-8:23 - Damdaming Bayan - DZRH) by B. Gonzales - Lungsod ng Maynila ang isa sa sentro ng gagawing pagkilos ngayon araw kaugnay ng paggunita ng ika-tatlong taon ng Maguindanao Massacre. Ayon kay NUJP Sec. Gen. Rowena Paraan, magtitipon-tipon ang grupo kasama ang ilang kaanak ng mga biktima siumula 3:06-6:30 ng hapon. Pangungunahan ng National Press Club ang candle light activities sa NPC ground na susundan ng pagpasinaya sa 32 kabaong at sa 11ft. effigy na tinawag nilang impurity monster na kanilang susunugin sa gagawing protesta sa Mendiola.

No comments:

Post a Comment