Thursday, November 22, 2012

ISSUE: EXTRA JUDICIAL KILLING (11:46-11:47 - Aksyon Ngayon - DZMM) by J. Manabat - Nagsagawa ng ritwal na pag-aalay ng dugo ang mga militanteng katutubo sa harap ng Ancestral House ng pamilyang Aquino sa Times Street, Q. C. Giniltan nila ng leeg ang isang manok na dala ng grupo at ipinahid ang dugo nito sa larawan ni PNOY. Ayon sa mga militante, simbolo ito ng patuloy na paghahanap nila ng katarungan para sa mga katribong napaslang sa ilalim ng kasalukuyang Administrasyon. Isinama na rin ng grupo ang panawagan sa Pamahalaan na panagutin ang nasa likod ng Maguindanao Massacre. Tumagal at tinatayang may isang oras ang rally ng grupo at kusa din namang nilisan ang Times Street para maghanda sa Malawakang pagkilos sa Mendiola mamayang hapon.

No comments:

Post a Comment