Dzmm reporter: Tinapos na ng Kamara de Represetante ang debate ukol sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill, alas-6:07 Lunes ng gabi. Natapos ang debate sa pamamagitan ng viva voice vote kung saan mas lumamang ang botong 'Ayes' o pabor sa pag-usad na ng panukalang siyam na taon nang pinagdedebatehan. 231 mula sa 285 na mambabatas ang dumalo sa sesyon kung saan si house Majority Floor Leader Neptali Gonzales II ang nag-move para matapos na ang debate. Tinutulan naman ito nina Ref. Rufus Rodriguez, Hermilando Mandanas, Amado Bagatsing at Mitos Magsaysay at kinuwestyon kung bakit nagmamadali ang mga mambabatas gayong ngayong Martes, Agosto 7 pa talaga ang itinakdang botohan.
No comments:
Post a Comment