DZMM: itinakda sa Agosto 22, alas-8:00 ng umaga, ang isa pang graft case laban kay Gng Arroyo at isa pang kasong may kaugnayan sa paglabas sa ethical standards ng mga gov't officials. Sa Okt 1 naman, itinakda ang pagdalo nina dating first FG Mike Arroyo at dating DOTC Sec Leandro Mendoza, na idinawit din sa naturang kaso. Ayon sa kampo ni Gng Arroyo, may 40 testigo ang ipirisinta nila sa pagdinig. Tiwala rin silang mahina ang mga ebidensyang ipi-prisinta laban kay Gng. Arroyo dahil sa mismong ang Office of the Ombudsman na ang nagbaba ng kaso mula sa dating plunder case sa ngayo'y graft case. Samantala, bagama't malakas ang pag-ulan ay dumagsa pa rin ang mga supporters ni CGMA sa Sandiganbayan upang magpahayag ng suporta sa dating pangulo. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42.
No comments:
Post a Comment