"nakakalungkot na may grupo ng militante na nagtangkang manakot at maging violente sa pagharang ng van ng pamilya ng dating pangulong gloria macapagal arroyo sa kanyang paglabas sa VMMC na may mga nakasakay na mga bata at nga kababaihang tagapag-alaga. maging ang ilang pribadong sasakyan ay pinilit na harangin at tinangkang sirain upang maipakita lamang sa kamera ang kanilang pahayag. ito ba ang mga partylist na madalas na mga kritiko ng human rights violations? ipinakita nila na hindi sila "marginalized" o naaping sektor kundi sila ang nangungunang lumalabag sa karapatang pantao. kanila rin ipinakita na wala silang balak na igalang ang batas samantalang sila diumano ay mambabatas o gumagawa ng batas. hindi po masama na maging kritiko ngunit dapat lang po ay nasa maayos na paraan at hindi nanggugulo sa katahimikan na pati mga musmos at kababaihan ay idinamay. ang pagtutol at protesta ay hindi lisenya upang manakit o manakot ng kapwa."
No comments:
Post a Comment