Monday, December 19, 2011

DZMM TELERADYO: Kahit kasalukuyang naka-hospital arrest dahil sa kinakaharap na kasong electoral sabotage, nagpaabot si dating pangulo at ngayo'y Pampanga Respresentative Gloria Macapagal-Arroyo ng pakikiramay sa mga naging biktima ng Bagyong Sendong. Sa isang opisyal  na sulat na ipinadala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, nanawagan ang dating pangulo na ipagdasal at tulungan ang mga sinalanta ng bagyo sa  katimugang bahagi ng bansa. Nagpaabot din ng mensahe si Ginang Arroyo sa kasalukuyang adminstrasyon upang pansamantalang isantabi ang pagkakahati-hati dulot ng pulitika at tutukan muna ang kalagayan ng mga Pilipinong dumaranas ngayon ng matinding trahedya dulot ng bagyo. Nanatili ang dating pangulo sa Iligan, na isa sa matinding sinalanta ng Bagyong Sendong, noong bata pa ito. Nanatili ang dating pangulo sa Iligan, na kung saan nakatayo pa rin ang ancestral house ng kaniyang pamilya.

No comments:

Post a Comment