Monday, December 19, 2011

ABSCBN NEWS Kasunod ng bawat krisis ang paghahanap kung nasaan ang Pangulo. Pero kagabi ay lumabas sa tweet ng TV host at aktres na si Valerie Concepcion na nasa Christmas party ng Presidential Security Group si Aquino. Agad umani ng batikos sa mga social  networking sites ang pagdalo sa party ng Pangulo. Para kay Bayan Patroller yani Calumpang,  sana raw ay binisita na lang ng Pangulo ang mga sinalanta ng baha kaysa mag-party. Sabi pa ng iba, sana raw ay hindi na itinuloy ang party. Hindi raw maganda tignan na nagsasaya ang Pangulo habang may mga nagdurusang kababayan.

No comments:

Post a Comment