Thursday, May 9, 2013

Dzmm: Nahaharap sa election gun ban ang walong bodyguard ni Camarines Sur Governor Luis Raymond "LRay" Villafuerte makaraang mahuli sa naga city.

Sinasabing ang walong body guard ay dating sundalo at nahuli matapos makatanggap ng tip ang mga otoridad sa pananatili ng mga armadong suspek sa lugar. Umanoy tinagka pa ang mga itong tumakas lulan ng isang sasakyang may kulay pulang plaka na puno ng mga campaign materials.

Narekober naman naman sa mga suspek ang anim na baril at kinasuhan ng paglabag sa gun ban at paggamit ng sasakyan pag aari ng pamahalaan sa kampanya.

No comments:

Post a Comment