Thursday, May 9, 2013

BOMBO RADYO: CamSur Gov. Lray Villafuerte, tikom sa pagkakahuli ng kanyang 8 security group re: paglabag sa gun ban

- Nananatiling tikom ang bibig ni Camarines Sur Gov. L-Ray Villafuerete kaugnay sa pagkakahuli ng walong provincial security group nito na lumabag sa gun ban ng Comelec. Bukod sa mga matataas na kalibre ng baril, narekober din sa loob ng sasakyan ng mga ito ang ilang armas tulad ng brass knuckles at balisong.

Natagpuan din sa red plate vehicle ang ilang posters at campaign paraphernalia ng kanyang anak na si gubernatorial candidate Migz Villafuerte at Vice Gov. Ato Peña.

Ayon pa kay city director S/Supt. Abdulkadil Guilani, dapat din ay nakasuot ang mga suspek ng uniporme dahil gamit nila ang sasakyang nakarehistro sa gobyerno.

Nanindigan naman ang Comelec-Naga City na mahigpit na nilabag ng mga suspek ang Omnibus Election Code dahil pinagbabawal na gamitin ang anumang sasakyan ng gobyerno sa pangangampanya.

No comments:

Post a Comment