dzmm teleradyo: Bahagi ng VAT ilaan sa agrikultura - Iginiit ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga) na ilaan ang bahagi ng taunang nakokolekta sa Value Added Tax (VAT) para matustusan ang agrikultura sa bansa. Sa House Bill No. 6704, aamiyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997 sa koleksyon ng VAT para sa farm inputs, post harvest facilities, infrastructure support, livelihood programs, capability programs at trainings at micro-finance.
No comments:
Post a Comment