DZBB: by R. Salvacion
House Minority Bloc, hinimok ang Administrasyong Aquino na sampahan ng reklamo sa UN Commission on Human Rights ang pamahalaan ng Malaysia dahil sa mga kaso ng paglabag sa karapatan ng mga Pilipinong nasa Sabah lalo na ang mga inosenteng sibilyan na napagdidiskitahan ng Malaysia authorities. Ayon kay House Min Leader Danilo Suarez, hindi dapat palagpasin ni Pang Aquino ang paglalapastangan ng Malaysia sa karapatan ng mga Pilipino. Katwiran naman ng ibang taga-Minorya sa Kamara, kung hindi magsasampa ng pormal na reklamo ang Pilipinas ay lalabas na nagbubulag-bulagan ang ating Gobyerno. Magbibigay ito ng negatibong senyales na kinukunsinti pa nito ang mga karahasan ng mga awtoridad sa Malaysia.

No comments:
Post a Comment