Wednesday, February 13, 2013

dzmm teleradyo: Mayroon nang nahuli ang Commission on Elections (Comelec) na mga kandidatong lumabag sa pagbabawal na magdikit ng campaign materials sa hindi itinakdang common poster area. Sa pag-iikot ng mga tauhan ng Comelec sa Taft Avenue, Sta. Ana at Sta. Mesa, Maynila, nakita ang mga poster nina senatorial bets Francis Escudero at Sonny Angara gayundin ang party list groups na Kabataan, Gabriela, Akap Bata, Anakpawis at LPGMA na kung saan-saan nakadikit.

No comments:

Post a Comment