Tuesday, January 29, 2013


sinabi ni Pangulong Aquino, tayo ngayon ay PINIPILAHAN at sinusuyo upang mamuhunan dito sa Pilipinas ang mga negosyante. NASAAN ANG PILA? ang alam ng bayan
- may PILA sa MRT dahil madalas masira
- may PILA sa mga recruitment agencies ang mga WALANG TRABAHO
- may PILA ang mga NAGUGUTOM sa DSWD dahil sa mga kapartido lang ni Pnoy ipinamamahagi ito
- may PILA sa meralco ang mga naputulan dahil HINDI MAKABAYAD ng kuryente
- may PILA sa bureau of customs ang mga smugglers na naglalagay sa opisyales nito
- nakaPILA pa rin ang mga SINALANTA ng bagyo sa compostela valley
- nakaPILA sa doj, nbi at pnp ang MGA KAMAGANAK ng pinatay sa atimonan na humihingi ng HUSTISYA
- nakaPILA ang mga KASO ng mga KKK na INUUPUAN ng OMBUDSMAN AT DOJ
- nakaPILA ang mga NAGHIHINTAY na ma-aprubahan ang FOI bill
- nakaPILA ang mga yellow congressmen at senador sa PORK BARREL para magamit sa election
- may PILA ang mga petisyon sa korte suprema upang mapawalang bisa ang RH bill
- nakaPILA na ang mga CF cards na gagamitin ng comelec para IPANALO ang TEAM Pnoy
-nakaPILA na ang mga KAKASUHAN na mga GOVERNORS na hindi kaalyado ng LP
NAKAPILA ANG MGA INVESTORS? TEKA, NASAAN?

No comments:

Post a Comment