Tuesday, January 8, 2013

DZMM TELERADYO: Sumugod ngayon sa DOJ ang mga myembro ng iba't ibang militanteng grupo at human rights groups upang kundinahin ang binuong super body kaugnay sa mga kaso ng extra judicial killings, enforced disappearances, torture at mga paglabag sa karapatang pantao. Ayon kay Leah Valencia, secgen ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, noon pa man bago nabuo ang nasabing superbody ay matagal ng walang aksyon ang DOJ sa mga kaso ng extra judicial killings. Iginiit ng mga ito na ang nasabing superbody ay isang PROPAGANDA lamang ng pamahalaang Aquino para PATAASIN ang kanyang popularidad.

No comments:

Post a Comment