Monday, December 17, 2012

DZMM: Umaasa pa rin ang Minorya sa Kamara na pagbibigyan ng korte ang hirit na Xmas Furlough ni CGMA. Sinabi ni House Min Leader Danilo Saurez na wala silang nakikitang matinding dahilan para hindi payagan ang hiling ng dating Pangulo...lalu pa't napagbigyan naman na ito noong nakaraang taon. Paliwanag ni Rep Suarez na malabo namang maging banta si CGMA dahil na rin sa kasalukuyang lagay ng kalusugan nito. Nauna nang sinabi ni Lingayen-Dagupan Arch Emeritus Oscar Cruz na wala nang kakayanang tumakas ni CGMA dahil bukod sa mahina ay may taglay pa itong karamdaman. Ayon kay Arch Cruz..pwede namang maging makatao kay CGMA kahit nahaharap pa ito sa ibat-ibang kaso lalu pa't panahon naman ng Kapaskuhan.

No comments:

Post a Comment