Wednesday, December 12, 2012

Dzmm Reporter (Nueva Vizcaya) - Kasabay ng isinasagawang botohan ng mga kongresista sa kontrobersial na RH Bill, humabol naman si Bishop Ramon Villena ng diosesis ng Bayombong at nanawagan para sa isang mataimtim na panalangin upang hindi maipasa ang naturang bill na ayon sa kanya ay kontra sa kagustuhan ng Panginoon. Sa ipinalabas na statement ni Bishop Villena, binatikos din nito si Pres. Noynoy Aquino at sinabing isang itong diktador dahil sa ginagawa daw nitong pag-pressure sa mga kongresista para pumabor sa pagpasa sa RH Bill. Sinabi ni Villena na walang karapatan si Pnoy na pakialaman ang mga gawain sa kongreso dahil independent boy daw ito at huwag niyang ulitin sa kongreso ang ginawa niyang pakikialaman noon sa judiciary.

No comments:

Post a Comment