Sunday, November 11, 2012

DZBB: ISSUE: HACIENDA LUISITA
- Ibinunyag ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) at alyansang mga Manggagawang bukid sa Hacienda Luisita na bukod sa tagapag-alaga ng mga kabayo ng Cojuangco-Aquino isang baranggay Captain mula sa Hacienda Luisita na hindi naman marunong o walang karanasan sa pagbubungkal ng lupa ang napabilang sa listahan ng Agrarian Reform beneficiary sa Hacienda Luisita. Ayon kay UMA Sec. Gen. Rodel Mesa, minamaneobra ng Hacienda Luisita Management ang proseso ng Agrarian Reform. Sinabi pa nito na 100% silang nakatitiyak na may mga beneficiaries na dapat ibilang na nauna ng inilagay sa provisionary list.

No comments:

Post a Comment