Wednesday, July 18, 2012

Dzmm: issue: philhealth para sa mga mahiirap PANG SONA lang! Naniniwala ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAP) na bahagi lang ng paghahanda sa SONA ng Pang Noynoy Aquino ang mga bagong proyektong isinusulong ng PhilHealth para sa mahihirap. Ikinatwiran ni PHAP President Dr. Rustico Jimenez na napaka-imposible sa ngayon ang sinasabi ng Philhealth na sasagutin nila ang lahat ng gastusin ng mahihirap gayong halos P2BILYON na ang UTANG nito sa mga pribadong ospital, bukod pa sa napakalaki ring utang ng ahensya sa mga pampublikong ospital.

No comments:

Post a Comment