Monday, March 12, 2012

DZMM TELERADYO: Hindi natitinag ang isang kongresista at desidong tumestigo sa paglilitis kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona kaugnay ng umano'y minadaling impeachment complaint laban sa punong mahistrado. Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Navotas City Representative Toby Tiangco na hindi siya natatakot sa umano'y pagbabanta ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na maari siyang matanggal sa Kamara kung pipiliin nitong kalabanin ang kapwa niya mga kongresista.

No comments:

Post a Comment