Tuesday, February 28, 2012

to representative neri colmenares: bakit tayo umiiyak ngayon na hirap na hirap kayong makakuha ng ebidensya? paano kung talagang WALA? bakit kayo bulag na nagmadali na magsampa ng akusasyon sa isang chief justice base sa utos ng isang taong GIGIL na GIGIL sa kanya? bakit hindi kayo sa palasyo UMIYAK? ang LUHA nyo lang ang iyong iniintindi subalit BALE WALA sa inyo ang LUHA ng isang mahistrado at ang kanyang pamilya na araw-araw ay nakikita nya ang kanyang pangalan bilang AKUSADO at nasasabuyan ng putik ang kanyang pangalan sa loob  at labas ng korte. dapat nilang maintindihan na hindi biruan o kapritso lamang ang magwasak ng reputasyon ng isang mamamayan, chief justice man o hindi.

No comments:

Post a Comment