DZBB - "It's the economy, student."
Ito ang titulo ng economic paper na isinulat ni dating pangulo at ngayo'y Pampanga Cong. Gloria Arroyo na sumesentro sa economic challenges na kinakaharap ng bansa ngayon at pagkukumpara sa dating administrasyon. Sa isang presentation sa Manila Hotel, binasa ng ekonomistang si Dr. Gonzalo Hurado ang nasabing economic paper na isinulat ng dating pangulo habang nasa ospital. Nakasaad ditong nakapagtala ng 7.9% growth ang bansa bago siya bumaba sa puwesto na hindi aniya mabubura ng anumang black propaganda ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III. Nakakalungkot aniyang sa third quarter ng 2011, 3.2% lamang ang naitalang growth rate na higit na mababa sa forecast dahil sa kakulangan ng leadership, pananaw, at tamang pamamalakad ng economic affairs ng kasalukuyang pangulo.
No comments:
Post a Comment