Thursday, December 8, 2011

Interview with former Pres. and Pampanga Rep. Gloria Arroyo by Arnold Clavio

ARNOLD: Doon sa mga kinakaharap nating pagsubok, sabihin na nating accusations.

GMA: Ang masasabi ko, Arnold, I have peace of mind, malinis ang aking konsensya gaya ng  sabi ko, na sa aking pagka-Pangulo, bukod tanging layunin ko ang maglingkod. Ngayon na prejudged na ako ng bagong administrasyon, gumagamit ng demagoguery, para sa ganun ay siraan ako ng tuluyan, siyempre kasi kung nasisiraan ako, nagmamagaling siya, pero ganun pa man ako ay naniniwala sa sarili ko.

ARNOLD: Konting oras na lamang po tayo dito, lilipat na ho kayo ng ibang ospital, anong naglalaro sa isip ninyo?

GMA: Yung parating sinasabi ng aking tatay sa akin: "Do what is right, do your best and let God take care of the rest." Ako, I did what is right according to my best, ang bukod tanging layunin ko ay maglingkod sa taong bayan. Then I did my best, I think nobody will quarrel with my kasipagan. Malaki ang aking pananampalataya sa Panginoon.

No comments:

Post a Comment